“Guilty beyond reasonable doubt!”…
Ito ang naging hatol ni Pasig City Regional Trial Court Branch 154 Judge Abraham Borreta sa drug operator na si Amin Imam Boratong at sa live-in partner nito na si Sheryl Molera.
Ayon sa ibinabang 50-pahinang desisyon ni Borreta, nararapat lamang na hatulan ng life imprisonment ang dalawa dahil may ‘probable cause’ siyang nakikita sa paglabag sa Section 6 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.
Pinagmumulta din nito ng dalawang milyon si Molera habang sampung milyon naman si Boratong.
Giit ni Boreta, ibinatay niya ang desisyon sa merito ng kaso kung kaya’t dapat umano itong respetuhin.
Ibinunyag din ni Judge Borreta na merong emisaryo mula sa kampo ni Boratong ang nagtangka siyang suhulan para impluwensyahan ang kanyang hatol sa kaso.
Magugunitang nito lamang Hunyo 9, limang malalaking plastic bag ng pinaghihinalaang shabu ang narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahay ni Boratong
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.